Tuesday, July 29, 2008

reaksyo sa artikulo sa pamilya

para sa akin, mahalaga ang may magulang sa pamilya dahil sila ang nag- papalaki at nag-aalaga, kaya huwag nating pabayaan dahil sila ang pag-asa sa ating buhay at sila ang nag-tuturo kong paano natin maabot ang ating mga pangarap.

At pamilya ang tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan. Sa loob ng isang pamilya, maari ring mabalangkas ang isang pamahalaan o gobyerno. Ang mga magulang ang pamahalaan at ang mga anak ang mga mamamayan.

At ang pamilya din ay lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkaugnay sa dugo, sa bisa ng sakramento ng kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o paninirahan sa isang tirahan. Mahalaga ang pananatili ng pamilya dahil ito ang tumutugon sa maraming pangangailangan tulad ng pangangalaga sa mga batang kasapi nito. Ito ay binubuo ng ama, ina at mga anak.

No comments: